Song Page - Lyrify.me

Lyrify.me

Tibok by Three Legged Men PH Lyrics

Genre: pop | Year: 2020

[Verse 1]
‘Di mo ba naririnig ang kulay ng pag-ibig
Unti-unting lumalapit lumalayo ang puso ko sa bisig mo
Lumalaban atras abante lang ako upang mapansin
Minamasdan sinusubukan kahit na nahihirapan ang pusong bitin

Tumitibok, tumitibok
Tumitibok, tumitibok

[Verse 2]
Isang iglap isang tingin, abot ko na mga bituin
Sinungaling lang ako pag sinabing ‘di gusto ang makasama ka
Lamig ng hangin suklian ng yakap mong inaasam-asam
Tinatanong walang sagot, wala pa rin

Tumitibok, tumitibok
Tumitibok, tumitibok

[Verse 3]
‘Di ko kakayanin ang iwanan ka na mag-isa
Kahit na alam ko na wala kang nararamdaman
Susubukan pipilitin, wala ring mangyayari (wala ring mangyayari)
Bawat sulok ng mundo tinutungo wala pa rin (wala ring mangyayari)
[Bridge]
Suko na ako
Tanggap ko na ang tadhanang ito

[Outro]
Tumitibok, tumitibok
Tumitibok, tumitibok