Hayop by Illustrado Lyrics
[Verse 1: Goriong Talas]
Lagay mo ay alanganin
Gulpi sarado ka sa amin
Walang silbing panalangin
Kahit ilang Ama namin
Subukan mong idalangin, 'di tatalab sa bangis ng liriko
Kahit mga anghel na demonyo sa mga rimang to
Salitang malasima, lumalasong mga pantig
Tila kumukulong tubig nagpapalambot ng mga astig
Mga malalim na tinig dala ay pares at nginig
Na di mo maaninag ngunit iyong maririnig
Kaya matakot saming dulot na pagbalot ng kilabot
Na parang mga gagambang gawa sa bakal ang mga sapot
Patay sa mga banatan na sayo'y magpapa-iling
Kami halimaw sa tugma, mga halimaw sa galing (Bra!)
[Verse 2: Sayadd]
Perpekto, piligroso, sineryoso ng ganap
Nung nawala sa sarili ay hindi na naghanap
Kaya itong mga likha ko di niyo basta makuha
Dahil saking diksyonaryo na bago na luma
Kung saan palo na lalo, nakalagan ng kadena
Mga ideya tila higad na pumasok sa tenga
Lubhang na makati to, para di mo ikalito
Di ako butas sa sistema, ako sistema sa butas nito
Kaya mas maiigi nga atang di mo na tinangkang alamin
Kung ano-anong mga bagay aking kaya na gawin
Magmula sa ilalim naabot ko nang lahat
Nilundag ko yung bangin, hindi pababa, paakyat
[Koro]
Sa larangan na pinasok ay wala kaming kasing
Kayoý dikya lamang sa dagat at kamiý mga pating
Kamiý mga leon sa eksena ng matsing
Todo hayop! hayop! hayop sa galing

Todo hayop, oo! hayop sa galing!
[Verse 3: Batas]
Yow! hayop sa husay sa akin araw-araw ang Pasko
Di mapaliwanag ng siyensiya ganun ang lakas ko
Sa bawat linya ko ramdam ang aking kamao
Kuha ng kahit bingi, kapwa ko mahal ko! oo!
Akoý sobrang gipit sa duelo
Yung masakit sa ulo masikip na sumbrero
Kayoý mangangamote may bitbit sa pochero
Pero sa nanay nyo kaya maging isang kuneho, Ha!
Papuri ng iba yan ang aking koleksyon
Pinapanuod ng mga siga dito hanggang Bukidnon
Kahit sinong iharap saakin punit tsong
Sobrang galing ko totoo, di na to opinyon!
[Verse 4: Goriong Talas]
Di totoo'ng kasabihan pag sinuksok may bubunutin
Pag saksak ko ng punyal sayo di ko na huhugutin
Sulat koý nag-aapoy di nyo to kayang tupukin
Kaya papel mo sa buhay madali lamang sunugin
Kuha mo hayop to, akoý tuso itim ang buto
Linyang tumatama parang usok ng tunaw na bato
Di mo mahaharang mga barang bumabarang
Sobrang lalim pag sinisid tutubuan ka ng hasang
Wasak ang kanta nyo sa simple ko na labing-anim
Sobra nitong lagim nag tila anim, anim, anim
Kaya wag kang umasang makakapuntos ka sa amin
Butata ka pabalik kung saan ka man nanggaling!

Kayo'y dikya lamang sa dagat, at kami mga pating
Kami mga liyon sa eksena ng matsing
Todo hayop, (Hayop!)
Hayop sa galing
Sa larangan na pinasok ay wala kaming kasing (Yeah!)

Todo hayop, (Oo!)
Hayop sa galing
[Verse 5: Sayadd]
Sumibol sa lupa idilig sa dugo
Kaya tinig nagdudulot ng nginig sa bungo
Sinabaw sa engkwentro mga mamaw tinodas
Hanggang nagmukha na lamang silang langaw sa sopas
At sa oras ng pangangaso sa kagubatan na binaybay
Walang nagsisikibuan mga nagpapanggap patay
Langhap buga pigil at pag napagod wala rin
Bago magpahinga ay nilalason ang hangin
Pakunswelo ng wakas magagawa mong silipin
Lalamunin ka'ng buhay ng mga buwitreng may ngipin
Patalasin man ang ngipin ay wala na yang halaga
Kayoý nagpapakahayop, kami hayop talaga!
[Verse 6: Batas]
Taas ng ihi ko nahugasan ko ipot saýong ulo
At sinasadyang umihi kung saan merong nuno
Pag suntok koý magandang storya siguradong tagos puso
Ubos ang hangin nyo parang wala na tayong puno
Sa akin masilaw parang nagising sa ilaw
Hayop sa pagbitaw
Sa tugma halimaw
Ramdam sa tenga ang bigat dyamante na hikaw
Mapapakain kayo ng tae biglang tsibog ng isaw
Manghahambalang sa bahay nyo na para bang may nyebe
Kinakagat ng mga lamok kaya bitbit nila ay dеngue
Ako'ng Batas at sa Illustrado bawal ang peke
Ako'ng humatak pababa ng saranggola ni Pеpe
Illustrado
Batas
Sayadd
Goriong Talas
Apo Lerma
Mga hayop