Song Page - Lyrify.me

Lyrify.me

Bumalik na ang Bulong by Illustrado Lyrics

Genre: rap | Year: 2022

(Hanggang Kamatayan)

Payapa dapat ang buhay
Pinaniwala kang ganyan
Kapag mahina ang 'yong boses
Ay kaylangan mong laksan

Sumalubong kang taas noo
Para di ka basta na tablan
O bagong hasang kutsilyo
Ang nahulog sa pinggan

Sino bang pinaringgan ng
Kalanseng sa sahig
Sino bang pinakinggan ng
Nakatulog sa banig

Yung bang nakakapagpawala
Nabuong kaba
Pero kunwaring kawala
Ay may kunwaring halaga
Walang presyo sinanla mo
Pero merong namunuhan
Pag proseso binangga ko
Merong dapat matutunan

Umiiwas sa kaguluhan
Ng kaululan ba'y nawala na
Inakala mong banta
Ang isang simpleng paalala

Patay malisya sa puna
Baka nagkataon lamang
Parang halika sa una
Paanyayang walang galang

Napalagay ka sa estadong
Na di basta nahaharang
Hindi ba parang may makapasok
May kailangan mamaalam

[Koro x2]
Tila nalimot mo na ang
Pakiramdam ng gutom
Mukhang maayos na ang lahat
Para sa agos nalulong
Nung inakala mo na swabe
Ng pagikot ng gulong
Kinagagalak ko na sabihin
Bumalik na ang bulong
Ngayong makikinig ka na
Tututok nang masinsinan
At sa bawat koneksyon
Leksyong tutusok matindihan

Kahit gusto kong sabihin
Wala kang dapat pagsisihan
Paubos na ang pagasa
Kahit na gano pagigihan

Ano dapat pagisipan
Kung lahat minadali
Nakatakdang magtagumpay
Nakatakda ring masawi

Sa pagkakataong ito
Sana nawa ako'y mali
Kase kung sino pa ay
Bunga ng dusa't pighati

At nagugat lang ang binhi
Noong sa liwanag humindi
Kaya nakakapagpunyi lang
Ay mga walang malay

Pamamahagi ng hapdi
Pagbabalik lang ng sukli
Pagkat sa pagkaonti sa
Sinarili mong hanay
Nagawa mong magtimpi
Sa panahong pinaikli
Maglalakbay ka pang muli
Kapag giniba ang iyong bahay

Ang lahat sayo'y munti
Sa paitiman ng budhi
Sige nga
Pakiulat mo kami
Sa susunod mong alay

[Koro x2]
Tila nalimot mo na ang
Pakiramdam ng gutom
Mukhang maayos na ang lahat
Para sa agos nalulong
Nung inakala mo na swabe
Ng pagikot ng gulong
Kinagagalak ko na sabihin
Bumalik na ang bulong

Tuko'y gigil sa pagdura
Pigil sa lakas ng ingay
Noo'y gigil sa pagnguya
Bibig sa taas ng kilay
Tuloy singil sa nagluwa
Nginig na haras pagsilay
Noo'y kitil sa pagtula
Kilig sa dahas nagtibay

At kung ang mga kadalihanan
Ay di mo pa gaanong maarok
At ang bukod tangi na pinto
Di mo basta makatok

Wala na nga itong hinto
Sige wagas kang magamok
Panong daanan palabas
Sya ring daanan papasok

At kung magaastang api
Laman mo ay para magiling
Oo, wala kang kakampi
Panahon na para magising

Pano sarili mo'y subok
Nakatunggaling magiting
Nanaisin mo ba na maging
Naaksayang masining

Sa isang kaskas na matining
Ay may hatol na kagawad
Kung maglalaslas maiiging
Gawin mo na kaagad

Sino ka ba, sino kami
Sino ba ang tagapalakad
Sino ka ba, sino kami
Sino kami, kami si Sayadd