Song Page - Lyrify.me

Lyrify.me

Walang Tayo by Ex Battalion Lyrics

Genre: rap | Year: 2017

[Intro: Bosx1ne]
Thahahaha! Oh!
Flow G! ExB!

[Verse 1: Flow G]
Alam ko na kahit sa'n tignan
Talagang napaka-gulong pagmasdan
Kasi iba ang pakiramdam ko sa'yo, kaso
Kahit iparamdam ko 'di ka makaramdam
Kahit na pigilin ko feeling ko
'Di na kayang burahin ka pa sa isip ko
Inalipin mo ako simula nung mahuli mo ako sa titig mo
At 'di ko na napigilan at nagtuloy-tuloy na (Tuloy-tuloy na)
Dumating na sa puntong madalas ako na kulitin ka
Na ayos ka lang ba, sa'n ka pupunta?
Gusto ko lang samahan ka, kaso nga lang parang sobra na
Kasi sa totoo lang wala naman talaga akong karapatan
Oo alam ko naman, dahil magkaibigan lamang ang turingan
Kung alam mo lang na
Mas higit pa sa kaibigan ang pakiramdam ko sa'yo
Nalaman mo sana na kahit na wala pang tayo ay nasasaktan na ako
[Chorus: Flow G & Bosx1ne]
Sarili ko ay 'di ko na maintindihan
Alam ko namang 'di ko 'to dapat maramdaman
Dahil 'di mo din naman kayang suklian
Ang pagmamahal ko, magkaibigan lang ang turingan
Pero ako'y nasasaktan, kahit na walang tayo
Nasasaktan ako, kahit na walang tayo
Nasasaktan ako, kahit na walang tayo
Walang tayo, walang tayo (-la, -la)

[Verse 2: Bosx1ne]
Thahahaha! Yeah! Only! Yeah!
Yeah, 'di ko alam bakit ang puso'y naakit (Puso'y naakit)
Iniisip palagi tanong ko ay bakit (Damn!)
Ako'y nagagalit 'pag may lumalapit
Baby, at kahit sa'kin magalit, 'di ko alam ba't ang puso'y naakit
Basta alam ko lang kahit walang tayo
Ako ay napapasaya paghawak ko kamay mo
Basta alam ko lang kahit walang tayo
Ibang-iba'ng pakiramdam ang nararamdaman ko
Kaya ako'y nasasaktan 'pag may ibang katabi
At 'di ako ang kaharap mo
Pero kahit gano'n pa man nandito lang, nag-aabang
Baby, kahit walang tayo

[Chorus: Flow G]
Sarili ko ay 'di ko na maintindihan
Alam ko namang 'di ko 'to dapat maramdaman
Dahil 'di mo din naman kayang suklian
Ang pagmamahal ko, magkaibigan lang ang turingan
Pero ako'y nasasaktan, kahit na walang tayo
Nasasaktan ako, kahit na walang tayo
Nasasaktan ako, kahit na walang tayo
Walang tayo, walang tayo
[Bridge: Flow G]
Gusto talaga kita kaso lang, ako lang ang nakakaalam
Kung pwede lang kitang utusan na
Ibigin mo rin ako, ginawa ko na 'yan
Kaso nakakandado na tayo
Na hanggang kaibigan lang
Kaya anong magagawa ko

[Chorus: Flow G]
Sarili ko ay 'di ko na maintindihan
Alam ko namang 'di ko 'to dapat maramdaman
Dahil 'di mo din naman kayang suklian
Ang pagmamahal ko, magkaibigan lang ang turingan
Pero ako'y nasasaktan, kahit na walang tayo
Nasasaktan ako, kahit na walang tayo
Nasasaktan ako, kahit na walang tayo
Walang tayo, walang tayo