Kamatayang Kapakipakinabang by Emar Industriya Lyrics
[Verse 1]
Ibubuod sa isang dangkal na babasahin
Makakalaya sa koral sa pagsapit ng pagsingil
Sa pagiisip na impakan ang pagsulat ay diin
Walang husay at galing, areglado na kampil
Ang malinis na pagbanggit ngunit kumakalat sa diwa
Mapanirang mga rimang nakatago’y aking ipinakita
Hinog sa hinagpis ang agam-agam ay gambala
Nagsasalpukang alimuom kaya tulala ka sa talata
Kung inihambing sa makapansanang basehan
Hindi mabilang ang baitang sa hagdan ng aking kamalayan
Nakabagting na timbangan nakakaangat ang magaan
Ang mababaw lumalalim sa bigkis ng aking batayan
Masasalba ka sa pagkalunod kung papel ko ang bangka
Ang lahat itataya papataubin ko ang bangka
Mga sagot saking tanong ay pananong din ang tanda
Ang edad ay walang puntos kung hindi ka nagtanda
[Bridge]
Walang puntos ang edad
Panahon ng pagnanais
Walang puntos ang edad
Sa panahon ng pagnanais
Walang puntos ang edad
Panahon ng pagnanais
Walang puntos ang edad
Sa panahon ng pagnanais
[Verse 2]
Ang tanging nais ang kamatayan ay maging kapakipakinabang
Kaalaman ay lumalago sa mga reaksyong nakaatang
Katitisuran pagkat walang pasintabing nagpapaaninag
Hindi para sumilaw kundi para ipatag ang mga maling pagkakalatag
Lumabas ako sa mundo na hubad kaya hubad din na babalik
Tupukin sa apoy ang damit walang saysay sa aking pag gamit
Na laman loob ng bungo manipis ngunit puno ng sulo
Na naging ilaw sa paglalakbay ng aking dugo
Hubog ng pagkabigo bugbog sa pag-ikot ng kapalaran
Bumitiw sa pag angkas at nagmasid sa kaganapan
Mas lalong tumibay ang pagkaputol nung aking tinalian
Umapaw ng mga aral nung ang sisidlan ay napuno ko ng kamalian
Pagtawid ng aking inihahatid ang paniniwala mo'y patid
Pagkalmot ng aking pantig ang mga diwa ay dilig
Saluhin mo ang halimuyak laman ng aking pagbitaw
Ligtas kana sa pagkaligaw kapag ako naging ikaw
(Ligtas kana sa pagkaligaw kapag ako naging ikaw.)
[Bridge 2x]
Kamatayan ay kapakipakinabang bilang ng aking pagtumba
Kamatayan at kapakipakinabang bilang ng aking nasalba
Kamatayan ay kapakipakinabang bilang ng aking natumba

[Outro]
Hubog ng pagkabigo bugbog sa pagikot ng kapalaran

Mas lalong tumibay ang pagkaputol ng aking tinalian